Sa milyon-milyong tao dito sa mundo isa ka sa alam mong nakakagawa ng hindi maganda dito Oo, sa ayaw mo man o sa gusto isa ka sa dahilan kung bakit ganito na ang ating mundo Madaming tanong sa isipan, 'di ko alam kung bakit tila nga ba tayo na ay nahihirapan? sa mundong ating ginagalawan Totoo nga na walang permanente sa mundo at lahat nagbabago Sisimulan ko sa respeto. Sarili mo nga ay hindi mo na nirerespeto, paano pa kaya ang ibang tao? Masyado tayong naging mangmang sa katotohanan Naging mapanghusga kahit di mo naman alam tunay na dahilan Nakita mo ang babaeng nagbebenta ng sarili niyang katawan Oo, nakakadiri kung iisipin Marami kang panlalait na sasabihin Pero teka, Alam mo ba ang kanyang suliranin? Natanong mo na ba sakanya kung bakit ito ang pinili niyang gawin? Dimo alam kung ano ang kanyang mga pasanin kaya parang awa mo na, pilit mo siyang intindihin Sa kabilang banda, may nakita akong nangangandidato ay oo " siya yung tumulong samin" narinig ko sa katabi ko Pero teka, Ano nga ba ang papaniwalaan ko? Ang nakikita at naririnig ko o ang storya sa likod nito? hindi ko na alam. Pagbukas ko ng radyo, bungad sakin ang balitang "ang pagpatay sa batang wala namang kasalanan" gusto kong manginig sa galit at sumigaw ng parang awa nyo na, asan ang hustisya! Ngunit, Subalit naisip ko na wala rin naman silang magagawa kahit anong gawin ko kaya lumabas muli ako Naglakad-lakad upang maibsan ang bigat na nararamdaman ko Pero teka, may nakita ako sa bakanteng kwarto May naririnig akong batang umiiyak at parang takot na takot Sumilip ako at nakita ko itong nakahubad at nakaharap sa isang laptap Tumulo ang luha ko at sa'king pagkurap, Bakit ganito? At sa'king pagmulat may nakita akong nakakaawang matanda na nakapila sa isang ospital ako ay naawa at napatitig ngunit nakita kong ito ay natabig ng mga guwardya at mas inuna ang babaeng may kaya Mas nadurog ang puso ko sa aking nakita Bakit hindi pantay ang tingin nila sa kanilang kapwa? Ano na ang nangyayari sa ating mundo? Hindi ko maipaliwanag Gusto kong maaninag eksaktong dahilan kung bakit nawala na ang liwanag naiisip kong ito nga pala ang realidad ng buhay unti unti ng nawawala ang masayang kulay at marami na ang nawawalan ng gana mabuhay maaari nga ring nawawalan na ng gana ang buhay bago ko ito tapusin, gusto ko lang sabihin kailangan mo ng magising wag ka magpakamangmang sa nakikita mo sa iyong paligid ito ang katotohanan kapatid.
