Panaginip.

Panaginip.

Minsan na akong nanaginip
May masaya, malungkot, nakakatakot at nakakakilig
Minsan natanong ko sa sarili
bakit kaya di nasasaktan pag nananaginip?
sabi nila pag nasaktan ka daw,
gising ka na.
Naaalala ko nung mga oras na masaya
masaya tayong magkasama
para bang walang problema
mahal na mahal ang isa't isa
pero habang tumatagal,
tila nga ba may humahadlang..
unti-unti meron akong nararamdaman
unti-unting bumabalot ang sakit
ang sakit na galing sa katotohanan
ang katotohanan na walang tayo
na hindi tayo
at hindi magiging tayo
at nagising na ako
tska ko naramdaman ang matinding sakit
kasabay ng mga luha na pumapatak
sa aking mga mata
ang sakit. 
ang sakit isipin na 
sa panaginip lang mangyayari ang lahat 
sabi ko, kung mapapanaginipan ko man ito muli,
paki-usap. huwag nyo na ako gisingin
pipiliin kong makasama ka
sa aking panaginip
matutulog nalang ako ng mahimbing
hanggang sa hindi ko maramdaman ang sakit
kailan kaya ako magigising sa katotohanan?
na hindi kami pwede
kailan kaya ako magigising sa panaginip
na minsan ko ng naranasan?
kung saan mahal na mahal natin ang isa't isa 
kung saan walang humahadlang
kung saan pwede natin mahalin 
ang isa't isa
na kahit kailan
sa panaginip ko lang mararanasan.

 

Realidad.

Realidad.

Sa milyon-milyong tao dito sa mundo
isa ka sa alam mong nakakagawa ng hindi maganda dito
Oo, sa ayaw mo man o sa gusto
isa ka sa dahilan
kung bakit ganito na ang ating mundo

Madaming tanong sa isipan,
'di ko alam kung bakit tila nga ba
tayo na ay nahihirapan?
sa mundong ating ginagalawan
Totoo nga na walang permanente sa mundo
at lahat nagbabago
Sisimulan ko sa respeto.
Sarili mo nga ay hindi mo na nirerespeto,
paano pa kaya ang ibang tao?
Masyado tayong naging mangmang
sa katotohanan
Naging mapanghusga kahit di mo naman alam
tunay na dahilan

Nakita mo ang babaeng nagbebenta 
ng sarili niyang katawan
Oo, nakakadiri kung iisipin
Marami kang panlalait na sasabihin
Pero teka, Alam mo ba ang kanyang suliranin?
Natanong mo na ba sakanya 
kung bakit ito ang pinili niyang gawin?
Dimo alam kung ano ang kanyang mga pasanin
kaya parang awa mo na, pilit mo siyang intindihin

Sa kabilang banda, may nakita akong nangangandidato
ay oo " siya yung tumulong samin" 
narinig ko sa katabi ko
Pero teka, Ano nga ba ang papaniwalaan ko?
Ang nakikita at naririnig ko
o ang storya sa likod nito?
hindi ko na alam.

Pagbukas ko ng radyo, bungad sakin
ang balitang "ang pagpatay sa batang wala namang kasalanan"
gusto kong manginig sa galit at sumigaw
ng parang awa nyo na, asan ang hustisya!
Ngunit, Subalit naisip ko na wala rin naman
silang magagawa kahit anong gawin ko

kaya lumabas muli ako
Naglakad-lakad upang maibsan ang bigat
na nararamdaman ko
Pero teka, may nakita ako sa bakanteng kwarto
May naririnig akong batang umiiyak 
at parang takot na takot
Sumilip ako at nakita ko itong nakahubad at 
nakaharap sa isang laptap
Tumulo ang luha ko
at sa'king pagkurap, Bakit ganito?
At sa'king pagmulat
may nakita akong nakakaawang matanda
na nakapila sa isang ospital
ako ay naawa at napatitig
ngunit nakita kong ito ay natabig
ng mga guwardya at mas inuna ang 
babaeng may kaya
Mas nadurog ang puso ko sa aking nakita
Bakit hindi pantay ang tingin nila sa kanilang kapwa?

Ano na ang nangyayari sa ating mundo?
Hindi ko maipaliwanag
Gusto kong maaninag
eksaktong dahilan kung bakit nawala na ang liwanag
naiisip kong ito nga pala ang realidad ng buhay
unti unti ng nawawala ang masayang kulay
at marami na ang nawawalan ng gana mabuhay
maaari nga ring nawawalan na ng gana ang buhay
bago ko ito tapusin, gusto ko lang sabihin
kailangan mo ng magising
wag ka magpakamangmang sa nakikita mo sa iyong paligid
ito ang katotohanan kapatid.
Mundo

Mundo

" Pag-ibig? Nakakain ba ito? "

Yan ang bukang bibig ko 

sa tuwing tinatanong nila ako 

kung ano ang meron sa lovelife ko

Oo wala yan sa bukabolaryo ko

Tila nga bang imposible daw 

na mayroong magtatangka na manligaw sakin 

Dahil sa katarayan na meron sakin

Pero, nagtaka din ako

Bakit nga ba ako nahulog sa patibong mo? 

Ni- hindi ko na nga alam pano makaahon dito

Kahit mismong sarili ko gustong gusto na sumuko

Pero ikaw at ikaw parin sinisigaw ng puso ko

Naipit ako sa salitang ' tutuloy pa ba o susuko na? ' 

pero pinli kong sumuko 

PAGSUKO. 

Pag- pag naaalala ko mga taon 

ng ating pinagsamahan 

tila nga ba napapangiti 

sa mga dati nating nasilayan, 

mga kasiyahan na ating naranasan, 

mga kilig, lungkot, galit 

na ating pinagdaanan 

pero sabi ko di na nga pala natin 

ulit to pwede pang maranasan

Su- susubukan kong ipagpatuloy 

ang laro ng aking buhay 

at sasanayin na ika'y hindi na karamay 

mahirap man pero dapat kong subukan

Ko- konti na lang. Konti na lang 

alam kong paparating ka na sa dulo. 

Sa dulo na alam kong ito nga'y katapusan na. 

Kahit alam kong masakit 

kahit alam ko na ito lamang ay pilit. 

Pilit kong titiisin lahat ng sakit 

dahil ito naman ay para saatin. 

Konti na lang alam kong mapapagod ka na, 

walang masama sa magpahinga 

kung ika'y pagod na pero 

' may mga pagod na hindi na kaya ng paghinga. ' 

wala ka nang pwedeng magawa 

kundi kumapit sa salitang 

" ako'y susuko na "

Limang taon. 

Limang taon lang naman nagtagal 

ang ating pag-uusap. 

Na di ko namalayan 

mundo ko pala'y naging ikaw na. 

Diko na alam kung 

kaya ko pa nga ba ng wala ka na. 

Kahit araw araw pilit kitang pinapaayaw. 

Kahit lagi kitang binabalewala. 

Kahit maya't maya ko naipaparamdam 

na ika'y wala ng halaga. 

Pero.. Lahat yun ay may kapalit. 

Gabi gabi akong umiiyak 

dahil alam kong ika'y nasasaktan 

at ano nga bang sunod 

pag ika'y nasanay na 

sa mga ipinapakita kong gawa? 

Diba ika'y lalayo na? 

Oo. Natatakot ako. 

Natatakot parin ako 

kahit ako na mismo 

ang patuloy na nagpapalayo sayo. 

Pero lahat yun ay 

di ko na lang ipinapakita sa iyo 

dahil nais kong maramdaman mong 

di na ikaw ang mahal ko 

kahit ang totoo, ikaw parin. 

Ikaw parin ang laman nito. 

Kahit pilit ko mang kumausap ng iba, 

oo naaagaw nila ang oras at atensyon ko 

pero anong silbi ng mga ito 

kung ikaw parin ang hinahanap ko? 

Diko alam na aabot sa puntong ito. 

Pero sasabihin ko sayo, 

dumating man ang araw 

na ika'y tunay nang magpapaalam 

at ako'y hahayaan na, tandaan mo na 

ikaw lang ang nagpabago 

ng kahulugan sakin ng pag-ibig. 

Na hindi pala talaga dapat 

gawing mundo ang alam mo namang tao.






 

 

 



Paano kung?

Paano kung?

Paano kung..
Paano kung mas pinahalagahan namin 
ang pagiging kumpleto
kesa sa mga luho
Paano kung meron kaming masayang pamilya?
Teka,
Paano nga ba? Paano nga ba ibalik 
ang saya ng dating pamliya?
Yung tuwing uuwi ng bahay si tatay
sasalubong kami sakanya at kukunin ang dala niyang tinapay
sabay sabay kakain ng hapunan
madaming masayang mapag-uusapan
at sabay sabay pang magtatawanan

Gabi gabi nalang ay napapaisip
Maaari bang sumilip?
Kahit isang saglit
hindi ko naman kayo pinipilit
pero ito'y di na biro
dahil ito na ay nakakasakit

Ang sakit kapag nakikita ko silang nahihirapan
Nag-aaway sa harapan
at hanggang sa hindi na nagkibuan
umabot ng linggo, buwan
pero teka, bakit umabot ng taon?

Hindi ito pwede mangyare
gusto ko to isalba hangga't maaari
onti onti na akong nasasanay
pero bakit ang sakit paring makitang
hindi na masaya si nanay at tatay?

Maagang namulat sa mga responsibilidad
Ate dito, ate doon
linis dito, linis doon
bayad dito, bayad doon
sakit dito, sakit doon
Madaming napagdaanan ngunit patuloy
paring lumalaban
ilang beses pinilit ayusin
ilang beses ding napatanong
kung ito ba talaga ay para sa'tin?

Hindi ko inakala 
na ang masayang pamilya noon,
ay magiging kalungkot ngayon
may kanya kanya ng mundo
cellphone dito, cellphone doon
gigising sa umaga na parang wala ka na agad gana
uuwi galing skwela
puro sermon at galit ang iyong makukuha
at sa huli, tutulog na may luha sa mga mata..

Paano kung hindi nalang umalis si tatay ng bansa?
para lang mabuhay kaming lahat at mapag-aral
sa magandang paaralan
kami'y masaya at buo parin kaya?
Paano kung maging maayos sila ni nanay?
Maibabalik pa kaya?

Minsan nga naisip ko..
Paano kung magrebelde nalang ako?
Paano kaya kung pabayaan ko nalang mga kapatid ko?
Paano kung huwag ko nalang sundin ang nanay at tatay ko?
madaming tanong sa isipan
gusto ko nalang lahat takasan
pero alam kong pag ginawa ko ang mga ito,
ako lamang ay mapag-uusapan
at aking napag-isipan
na kailangan kong pagsikapan
at gawan ng paraan
na dapat walang iwanan
hanggang dulo dapat walang sukuan
ibabalik ang dating pinagsamahan
isang masayang pamilya na
magsasalo-salo sa hapagkainan
masayang magtatawanan
na kahit kailan..
hindi matutumbasan ng kahit ano pa man

 

Sakripisyo.

Sakripisyo.

Ano nga ba ang sakripisyo? 
Sakripisyo. 
Alam kong mgagawa mo ito kapag mahal na mahal mo ang isang tao.
Alam kong magagawa mo lang ito pag ayaw mong mawala siya sayo. 
Na kahit sarili mong kasiyahan isa-sakripisyo mo para sa taong mahal mo. 
Kasi ayaw mong makita syang nasasaktan. 
Kasi ayaw mong maramdaman nya ang feeling ng maiwan. 
Kasi.. Kahit alam mong masasaktan ka, 
okay lang basta sya masaya .. 
kahit ang gawin man nya'y ikaw ay bitawan. 
Bitawan ka at may mas piliin ay iba. 
Iparamdam sa'yo kung gaano sila mas kahalaga. 
Pero mahal mo kaya wala kang magawa. 

Ganon nman pag nagmamahal diba? 
Dimo na iisipin kung ano man ang sabihin ng iba. 
Basta ang mahalaga maiparamdam mo sakanya na mahal mo siya. 
Puso ang pinakamadaya sa lahat. 
Kaya wag kang magpadala. 
Minsan na kong nakulong sa laro ng pag-ibig. 
Ni- hindi ko namalayan na ako na ang taya. 
Ako na ang sumusugal 
Ako na pala ay nagmamahal. 
Akala ko imahinasyon lang ito. 
Pero hindi! 
Di ako makawala sa mga yakap mo 
Ni- hindi ka maalis sa isip ko 
Hindi ko kayang bitawan ang mga kamay mo 
At sinabi sayong, 
diko kaya ng wala ka Ngunit, 
di sapat ang pagmamahalan natin 
para manatili tayo sa kung ano man ang meron tayo 
Dahil hindi lang tayo ang tao sa mundo 
Kailangan kong isipin ang mga taong nasa paligid ko 
Lalo na ang Siyang satin ay lumikha 
Na nagsakripisyo para satin. 
Kaya hindi ako nagkaila. 
Nagdesisyon ako Kahit masakit 
kahit di ko kaya Na magsakripisyo para satin. 
Pero, Alam kong ito ang mkakabuti satin 
Gagawin ko kung ano ang tama para satin 
Na kahit sarili kong nararamdaman kaya kong isantabi 
para sa sakripisyong satin ngayon ay nagpapanatili.
Selda

Selda

Gusto kong kumawala sa maliit na selda na aking pinagkakalagyan, 
Pero diko magawa. 
Nasakin ang susi pero ni-minsan, 
diko nakayang buksan ang kandado 
at sabay na tumakbo papalayo 
kasi alam kong diko pa kaya 
Diko pa kayang makita kang masaya sa iba. 
Malaman na di na ako ang dahilan ng bawat pag ngiti mo 
kundi iba na 
Diko pa kayang tumakbo papalayo 
kahit alam kong di kita maipaglalaban. 

Alam ko ang daan 
pero patuloy akong nagbubulagbulagan 
Ilang ulit itong ginagawa pero di ako makawala! 
Gusto ko ng lumaya! 
Sa maliit na selda 
Gusto ko ng lumaya! 
Sa mga posas na hindi ko matanggal 
at nagsisilbi itong mga kamay mong ayaw bumitaw 
Gusto ko ng lumaya! 
Sa mga yakap mong nagsisilbing kandado 
na kahit alam kong kaya kong tanggalin diko magawa 
Gusto ko ng lumaya! 
Sa mga nakaraan natin 
na naging dahilan 
ng aking pagkakulong sa selda 
Gusto ko ng tumakbo papalayo! 
Pero di ko magawa kasi nandyan ka sa harap ko! 
Oo nandyan ka at nagmamakaawa kang wag na kong lumayo! 
Gusto ko ng makalimutan ang ikaw at ako. 
Gusto ko ng maging malaya mula sa selda mo 
Pero sa isang yakap mo 
bumabalik na lahat ng nararamdaman ko 
Bumalik at patuloy akong nakulong sa selda. 
Kahit kaya ko ng lumisan pero diko magawa 
Di kita kayang iwan 
Di ko kayang makitang nasasaktan ka ng dahil sakin 
Diko kayang makita kang hawak ng iba 
Dahil ikaw lng ang nagmahal sakin ng ganito 
At ika'y laging nandito 
At diko alam kung kailan maaalis ito 
Kung maaalis kapa nga ba dito 

Madami ng tula ang naisulat ko 
At di naging sapat ang mga ito 
Matagal na akong nasasaktan Pero kahit ganon,
patuloy parin akong nagmamahal 
Patuloy pa rin kitang minamahal 
Alam mo kung gano kita kamahal 
Pero mahal hindi sapat ang pagmamahal 
para hindi lumaya sa seldang aking pinagkakalagyan. 
Inisip ko na rin na wakasan na lang ang buhay ko sa loob ng selda. 
Dahil lahat nman ay parang wala ring kwenta. 
Kasi pano kung makawala nga ko pero wala ka. 
Dahil alam kong makakahanap ka rin ng iba. 
Na makukulong sa selda mo. 
Na isang araw dadating sya 
na magpapasaya sayo 
Hindi tulad ng ginawa ko na ako yung satin ay " taga-suko " 
Wala naman akong alam kundi sumuko diba? 
Ang alam ko lang lumayo, sumuko, umiwas, 
takbuhan, kumawala sa seldang pinagkakalagyan ko. 
Alam kong darating sya na kahit makulong sya sa selda mo, 
Di nya pipiliin na kumawala 
Di ka nya hahayaan pa na mawala 
Na mas pipiliin nyang makulong 
at makapiling ka Mahal, 
kung sino man ito pakisabi sakanya 
Mahalin ka nya ng higit pa sa pagmamahal na aking ipinadama
Wag ka nyang saktan kahit anong mangyari pa 
Wag nyang ipadama na di ka mahalaga 
Wag na wag nya ipadama na di ka karapat dapat mahalin 

Andito ako para wakasan 
Andito ako para magpaalam 
Andito ako para ipaalam 
na kaya ko na 
Oo kaya ko na 
Siguro 
Pipilitin ko 
Susubukan ko 
Haharapin ko 
ang desisyon ko 
Na tatanggalin ko na 
ang posas na nagsisilbing 
mga kamay mong patuloy na kumakapit ng mahigpit 
Tatanggalin ko na ang kandadong 
nagsisilbing mga yakap mong tila parang ayaw bumitaw 
Eto na ko palabas Sa seldang nagsilbing buhay ko 
Sa seldang matagal na umiikot ang mundo ko 
Sa seldang natutunan ko pano maging matapang 
Sa seldang akala ko di ko na malalabasan 
Mahal, hanggang dito nalang. 
Salamat sa lahat. 
Sa hindi pagpayag na ako'y lumaya 
Pero patawad dahil ginusto kong sayo ay kumawala 
Isang hiling ulit mahal, 
Ako'y hayaan mong makalayo 
Kahit di alam kung san patungo. 
Tandaan mo na ikaw parin ang nilalaman nito. 
Hanggang sa huling hininga ko. 
Palagi kang naandito.
Imahinasyon

Imahinasyon

Bawat tao ay may kanya kanyang imahinasyon
na nanatiling ilusyon
mga naiisip na walang namang destinasyon

Sabi nila imposible
sabi nila hindi daw mangyayari
sabi nila wag na ako umasa
pero sabi naman ng iba, pag gusto mo kaya mo
pag pangarap mo, gagawin mo lahat para mangyari 'to

Kaya hindi ako sumuko
hindi ako sumuko sa'yo
sayo na minsan ng nasama sa mga imahinasyon ko
na sana balang araw, mapagbigyan tayo ng panahon
na sana pagtagpuin tayo sa iisang destinasyon
na kahit alam kong walang pagkakataon
na kahit alam kong imposibleng mangyari yon,
andito parin ako pinipilit umahon
umahon sa mga ilusyon

Ngunit hanggang doon na nga lang ba?
takot. ito ang nararamdaman ko 
sa tuwing iisipin ko ang dapat kong gawin
takot na masaktan
takot na maiwan
takot na mahusgahan
takot na tanggihan
takot na hindi mapahalagahan
madami. madaming takot akong nararamdaman
at ito ang dahilan kaya hindi ko masimulan na gawing totoo ang lahat

Siguro nga hindi lahat ng gusto mo, makukuha mo
siguro nga tama sila
siguro nga ito na ang tama
siguro nga oras na para sumuko na
siguro nga ito na
puro siguro no?
kasi wala kong kasiguraduhan
kasi di ko alam pano ko sisimulan
kasi di ko alam kung itutuloy ko pa ba 
o susukuan ko na
kasi ang alam ko lang naman ngayon,
mahal na mahal na kita

Sana naman naririnig mo ang mga sinasabi ko
sana naman naiintindihan mo ako
at sana ganon din ang nararamdaman mo
na mahal kita at mahal mo ako
na sana naman ay hindi na mananatiling imahinasyon.
‘Wag Na

‘Wag Na


sa paulit ulit na takbo ng mundo

diko alam kung bakit paulit ulit din akong napapaikot ng mga salita mo

nkakatawang isipin na nandito nanaman ako

sa pagitan ng susuko naba o maghihintay parin sayo

oo, isa siguro ako sa mga taong di magising sa katotohanan

na hindi lahat ng tao kaya kang panindigan

papakiligin ka sa una pero sa huli bigla nalang lilisan

may mga taong mawawala, may mga taong mananatili

may mga taong aalis pero bakit may mga taong kailangan pang bumalik tapos mang-iiwan lang naman ulit?

naniwala ako sa mga katagang “ diko na gagawin yun, maniwala ka “

pero ngayon nasa’n ka?

iniwan mo nanaman akong nag-iisa

oo “ nanaman “ dahil ito’y pangalawang beses na

pero diko alam kung bakit sumugal parin ako kahit alam kong una pa lang wala ng kadiguraduhan

sa mga katagang iyong binitawan

sa mga pangako mong pang walang hanggan

sa mga kilos mong bigla ka nalang mahihiwagaan

naalala ko mga araw na sinabi mo sakin na “ napakaswerte ko sayo, diko na sasayangin ang pagkakataong ito “ abot langit ang saya at ngiti.

gigising sa umaga na parang walang problema

papasok sa eskwela na punong puno ng saya

pero lahat yon ay bigla nalang nawala..

oo biglang nawala..

ikaw pati ang saya.

nawala ka na naman ng parang bula.

pilit kong sinasabi sa sarili ko na baka busy ka lang di mo to magagawa.

pero lumipas ang araw unti unti ng nawawala

mga mabulaklak mong salita

na parang iwas na iwas ka nanaman sa’kin

pilit kong inaalis sa isipan mga takot na aking nararamdaman

mga sakit na itinatago sa aking likuran

unti unti ko nang nararamdaman

napapailing at pinipigilang pumatak mga luha..

napapatanong sa sarili tayo ba ay hindi talaga para sa isa’t isa?

bakit kailangang lumisan pa?

ako ba’y mahal mong talaga?

nadala nanaman ako ng emosyon ko.

diko napigilan ang nararamdaman ko.

ito ba’y sinamantala mo?

dahil alam mong dika kaya tiisin ng tulad ko?

daming tanong sa isipan..

bakit di moko kayang ipaglaban..

alam mo naman na ako’y nasasaktan..

pero paano mo’ko nakayang layuan?

paki-turuan naman ako para ika’y akin ng makalimutan..

Natatakot ako..

na baka isang araw bumalik ka nanaman

at ako’y iyong mapaniwala nanaman

sa mga katagang iyong bibitawan

Oo, ayokong sumugal

dapat isip ang umiral

napaka daya ng puso

kahit anong gawin ko

ikaw parin ang sigaw nito

lumipas man ang bawat minuto,

oras o umikot man ang mundo

ikaw at ikaw parin ang hinahanap hanap ko

iba parin ang sayang nararamdaman ko

pag ikaw ang kausap ko

pwede bang turuan ang pusong wag na matukso

sa taong tulad mo

na bigla nalang bubuluso

na parang di nakapanakit ng tao

uulitin ko..

kung aalis ka

wag ng babalik pa

tigilan mo na

ang puso kong

tuluyan ng

kinakalimutan ka

kahit ga’no kahirap

gagawin ko

para ako’y tuluyan ng

sumaya

pls lang

Huwag ka nang bumalik pa
Nasaan kayo?

Nasaan kayo?

Sa mundong ginagalawan
di'ko alam bat ganto ang nararamdaman
ako ba ay pinaglalaruan?
teka, gusto kong malaman
mga kasagutan
ng mga tanong sa isipan
ako'y sobrang naguguluhan
gustong gusto ko na'to takasan
pero ito'y lagi lang nandyan

Minsan kahit ako'y masaya, bigla nalang matatahimik 
at mararamdaman kong parang wala akong kwenta
malungkot at mapapaiyak sa isang tabi 
gusto kong magsalita at magpaliwanag
pero wala akong masabi miski isang salita..

Magtatanong sila " ano ang nangyari? "
gustuhin ko man sabihin pero diko maipaliwanag ang nangyayari
magulo. malungkot.
nararamdaman kong wala akong halaga sa mundong ito
na parang isa lamang akong basura sa mata ng mga tao

Sa paulit ulit na nangyayaring ganito..
nasanay na nga ako
gusto kong labanan ang sarili ko sa
tuwing nararanasan ko ito 
mahirap pero kailangan

Wala akong ibang naiisip kundi ang mamatay
dahil parang wala namang saysay 
ang aking buhay
unti- unti nang nawawalan ng kulay
naiisip ko na oo tama!
dahil pag namatay ako doon lang naman nila ako
papansinin at papahalagahan diba?
pag nawala na'ko doon lang nila sasabihin na mahal nila ako, diba?
pag lumisan ako, doon lang nila maiisip lahat ng ginawa ko, diba?

Nakakainis. kung naiinis kayo dahil
lagi nalang akong malungkot at nakasimangot,
mas naiinis ako sa sarili ko 
dahil hindi ko na alam gagawin ko

Nakakapagod. kung pagod na kayo intindihin ako,
mas pagod na'kong intindihin ang sarili ko.

Nakakasawa. kung sawa na kayo makinig sa walang sawa kong drama at kwento,
mas sawa na'kong maramdaman lahat ng 'to
Nakakawalang gana. kung nawawalan na kayo ng gana kausap ako,
uy teka, mas nakakawalang gana mabuhay pag ganito kahirap
yung haharapin mo sa araw araw

Gigising ka ng malungkot. tutulog ka ng malungkot
masaya ka ngayon pero mamaya hindi na
mahalaga ka ngayon pero bukas hindi na
mahal ka nila ngayon pero 
pag dika na nila maintindihan.. hindi na
Nandiyan sila para sayo, pero pag may problema ka, wala na
lahat sila wala na..
Nasaan kayo? sana nandito kayo, sana