Ano nga ba ang sakripisyo? Sakripisyo. Alam kong mgagawa mo ito kapag mahal na mahal mo ang isang tao. Alam kong magagawa mo lang ito pag ayaw mong mawala siya sayo. Na kahit sarili mong kasiyahan isa-sakripisyo mo para sa taong mahal mo. Kasi ayaw mong makita syang nasasaktan. Kasi ayaw mong maramdaman nya ang feeling ng maiwan. Kasi.. Kahit alam mong masasaktan ka, okay lang basta sya masaya .. kahit ang gawin man nya'y ikaw ay bitawan. Bitawan ka at may mas piliin ay iba. Iparamdam sa'yo kung gaano sila mas kahalaga. Pero mahal mo kaya wala kang magawa. Ganon nman pag nagmamahal diba? Dimo na iisipin kung ano man ang sabihin ng iba. Basta ang mahalaga maiparamdam mo sakanya na mahal mo siya. Puso ang pinakamadaya sa lahat. Kaya wag kang magpadala. Minsan na kong nakulong sa laro ng pag-ibig. Ni- hindi ko namalayan na ako na ang taya. Ako na ang sumusugal Ako na pala ay nagmamahal. Akala ko imahinasyon lang ito. Pero hindi! Di ako makawala sa mga yakap mo Ni- hindi ka maalis sa isip ko Hindi ko kayang bitawan ang mga kamay mo At sinabi sayong, diko kaya ng wala ka Ngunit, di sapat ang pagmamahalan natin para manatili tayo sa kung ano man ang meron tayo Dahil hindi lang tayo ang tao sa mundo Kailangan kong isipin ang mga taong nasa paligid ko Lalo na ang Siyang satin ay lumikha Na nagsakripisyo para satin. Kaya hindi ako nagkaila. Nagdesisyon ako Kahit masakit kahit di ko kaya Na magsakripisyo para satin. Pero, Alam kong ito ang mkakabuti satin Gagawin ko kung ano ang tama para satin Na kahit sarili kong nararamdaman kaya kong isantabi para sa sakripisyong satin ngayon ay nagpapanatili.
