Gusto kong kumawala sa maliit na selda na aking pinagkakalagyan, Pero diko magawa. Nasakin ang susi pero ni-minsan, diko nakayang buksan ang kandado at sabay na tumakbo papalayo kasi alam kong diko pa kaya Diko pa kayang makita kang masaya sa iba. Malaman na di na ako ang dahilan ng bawat pag ngiti mo kundi iba na Diko pa kayang tumakbo papalayo kahit alam kong di kita maipaglalaban. Alam ko ang daan pero patuloy akong nagbubulagbulagan Ilang ulit itong ginagawa pero di ako makawala! Gusto ko ng lumaya! Sa maliit na selda Gusto ko ng lumaya! Sa mga posas na hindi ko matanggal at nagsisilbi itong mga kamay mong ayaw bumitaw Gusto ko ng lumaya! Sa mga yakap mong nagsisilbing kandado na kahit alam kong kaya kong tanggalin diko magawa Gusto ko ng lumaya! Sa mga nakaraan natin na naging dahilan ng aking pagkakulong sa selda Gusto ko ng tumakbo papalayo! Pero di ko magawa kasi nandyan ka sa harap ko! Oo nandyan ka at nagmamakaawa kang wag na kong lumayo! Gusto ko ng makalimutan ang ikaw at ako. Gusto ko ng maging malaya mula sa selda mo Pero sa isang yakap mo bumabalik na lahat ng nararamdaman ko Bumalik at patuloy akong nakulong sa selda. Kahit kaya ko ng lumisan pero diko magawa Di kita kayang iwan Di ko kayang makitang nasasaktan ka ng dahil sakin Diko kayang makita kang hawak ng iba Dahil ikaw lng ang nagmahal sakin ng ganito At ika'y laging nandito At diko alam kung kailan maaalis ito Kung maaalis kapa nga ba dito Madami ng tula ang naisulat ko At di naging sapat ang mga ito Matagal na akong nasasaktan Pero kahit ganon, patuloy parin akong nagmamahal Patuloy pa rin kitang minamahal Alam mo kung gano kita kamahal Pero mahal hindi sapat ang pagmamahal para hindi lumaya sa seldang aking pinagkakalagyan. Inisip ko na rin na wakasan na lang ang buhay ko sa loob ng selda. Dahil lahat nman ay parang wala ring kwenta. Kasi pano kung makawala nga ko pero wala ka. Dahil alam kong makakahanap ka rin ng iba. Na makukulong sa selda mo. Na isang araw dadating sya na magpapasaya sayo Hindi tulad ng ginawa ko na ako yung satin ay " taga-suko " Wala naman akong alam kundi sumuko diba? Ang alam ko lang lumayo, sumuko, umiwas, takbuhan, kumawala sa seldang pinagkakalagyan ko. Alam kong darating sya na kahit makulong sya sa selda mo, Di nya pipiliin na kumawala Di ka nya hahayaan pa na mawala Na mas pipiliin nyang makulong at makapiling ka Mahal, kung sino man ito pakisabi sakanya Mahalin ka nya ng higit pa sa pagmamahal na aking ipinadama Wag ka nyang saktan kahit anong mangyari pa Wag nyang ipadama na di ka mahalaga Wag na wag nya ipadama na di ka karapat dapat mahalin Andito ako para wakasan Andito ako para magpaalam Andito ako para ipaalam na kaya ko na Oo kaya ko na Siguro Pipilitin ko Susubukan ko Haharapin ko ang desisyon ko Na tatanggalin ko na ang posas na nagsisilbing mga kamay mong patuloy na kumakapit ng mahigpit Tatanggalin ko na ang kandadong nagsisilbing mga yakap mong tila parang ayaw bumitaw Eto na ko palabas Sa seldang nagsilbing buhay ko Sa seldang matagal na umiikot ang mundo ko Sa seldang natutunan ko pano maging matapang Sa seldang akala ko di ko na malalabasan Mahal, hanggang dito nalang. Salamat sa lahat. Sa hindi pagpayag na ako'y lumaya Pero patawad dahil ginusto kong sayo ay kumawala Isang hiling ulit mahal, Ako'y hayaan mong makalayo Kahit di alam kung san patungo. Tandaan mo na ikaw parin ang nilalaman nito. Hanggang sa huling hininga ko. Palagi kang naandito.
