sa paulit ulit na takbo ng mundo diko alam kung bakit paulit ulit din akong napapaikot ng mga salita mo nkakatawang isipin na nandito nanaman ako sa pagitan ng susuko naba o maghihintay parin sayo oo, isa siguro ako sa mga taong di magising sa katotohanan na hindi lahat ng tao kaya kang panindigan papakiligin ka sa una pero sa huli bigla nalang lilisan may mga taong mawawala, may mga taong mananatili may mga taong aalis pero bakit may mga taong kailangan pang bumalik tapos mang-iiwan lang naman ulit? naniwala ako sa mga katagang “ diko na gagawin yun, maniwala ka “ pero ngayon nasa’n ka? iniwan mo nanaman akong nag-iisa oo “ nanaman “ dahil ito’y pangalawang beses na pero diko alam kung bakit sumugal parin ako kahit alam kong una pa lang wala ng kadiguraduhan sa mga katagang iyong binitawan sa mga pangako mong pang walang hanggan sa mga kilos mong bigla ka nalang mahihiwagaan naalala ko mga araw na sinabi mo sakin na “ napakaswerte ko sayo, diko na sasayangin ang pagkakataong ito “ abot langit ang saya at ngiti. gigising sa umaga na parang walang problema papasok sa eskwela na punong puno ng saya pero lahat yon ay bigla nalang nawala.. oo biglang nawala.. ikaw pati ang saya. nawala ka na naman ng parang bula. pilit kong sinasabi sa sarili ko na baka busy ka lang di mo to magagawa. pero lumipas ang araw unti unti ng nawawala mga mabulaklak mong salita na parang iwas na iwas ka nanaman sa’kin pilit kong inaalis sa isipan mga takot na aking nararamdaman mga sakit na itinatago sa aking likuran unti unti ko nang nararamdaman napapailing at pinipigilang pumatak mga luha.. napapatanong sa sarili tayo ba ay hindi talaga para sa isa’t isa? bakit kailangang lumisan pa? ako ba’y mahal mong talaga? nadala nanaman ako ng emosyon ko. diko napigilan ang nararamdaman ko. ito ba’y sinamantala mo? dahil alam mong dika kaya tiisin ng tulad ko? daming tanong sa isipan.. bakit di moko kayang ipaglaban.. alam mo naman na ako’y nasasaktan.. pero paano mo’ko nakayang layuan? paki-turuan naman ako para ika’y akin ng makalimutan.. Natatakot ako.. na baka isang araw bumalik ka nanaman at ako’y iyong mapaniwala nanaman sa mga katagang iyong bibitawan Oo, ayokong sumugal dapat isip ang umiral napaka daya ng puso kahit anong gawin ko ikaw parin ang sigaw nito lumipas man ang bawat minuto, oras o umikot man ang mundo ikaw at ikaw parin ang hinahanap hanap ko iba parin ang sayang nararamdaman ko pag ikaw ang kausap ko pwede bang turuan ang pusong wag na matukso sa taong tulad mo na bigla nalang bubuluso na parang di nakapanakit ng tao uulitin ko.. kung aalis ka wag ng babalik pa tigilan mo na ang puso kong tuluyan ng kinakalimutan ka kahit ga’no kahirap gagawin ko para ako’y tuluyan ng sumaya pls lang Huwag ka nang bumalik pa
